Ang bulalakaw,[1]bituing-alpas o meteoroyd[n 1] ay isang maliit na mabato o metalikong bagay sa kalawakan. Nabubuo ang bulalakaw dahil sa pagbabangaan ng mga planeta at ang ilan sa mga ito ay nakakapasok sa Daigdig o sa ibang planeta.
Sa Ingles, tinatawag itong meteoroid na isang katawagan para sa mga partikulong sinlaki ng buhangin hanggang malalaking bato (hanggang isang metro ang haba[2]) na makikita sa Sistemang Solar.[3][4] Lubhang mas maliit ang meteoroid sa asteroyd.[2] Tinatawag na meteor ang nakikitang daanan ng isang meteoroid na pumapasok sa himpapawid ng mundo (o sa ibang himpapawid ng ibang planeta).[5] Sa Tagalog, tinatawag na "bulalakaw" ang parehong meteor at meteoroid. Tinatawag din minsan ang parehong asteroyd at kometa bilang "bulalakaw."[6] Kung ang isang bulalakaw ay nakaabot sa lupa at nakaligtas sa pagsabog, tinatawag na itong meteorite o taeng-bituin.
↑English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN971910550X
↑Beech, M.; [Steel, D. I. (Setyembre 1995). "On the Definition of the Term Meteoroid". Quarterly Journal of the Royal Astronomical Society (sa wikang Ingles). 36 (3): 281–284. Bibcode:1995QJRAS..36..281B.