Ang Calapan (pagbigkas: ka•la•pán) ay isang ika-3 na klaseng lungsod sa lalawigan ng Oriental Mindoro, Pilipinas. Ang Calapan ay may populasyon na 133,893 ayon sa senso noong 2015.
Ang Calapan ang isa sa dalawang lungsod sa MIMAROPA region, na ang isa ay ang Puerto Princesa sa Palawan. Tumatayong sentrong pang-administratibo ng rehiyon ang lungsod ng Calapan. Ito rin ang sentro ng kalakalan, industriya, transportasyon, komunikasyon, relihiyon at edukasyon sa buong lalawigan ng Oriental Mindoro.
Mga Barangay
Ang Lungsod ng Calapan ay nahahati sa 62 mga barangay, ang mga barangay na ito ay pinapangkat sa isang distritong pangkinatawan kung saan ang isang distrito ay kinakatawan sa Pambansang Kapulungan ng mga Kinatawan sa Pilipinas.
↑
Census of Population (2015). "Region IV-B (Mimaropa)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
↑
Census of Population and Housing (2010). "Region IV-B (Mimaropa)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)