Horisontal na paglipat ng geneAng horisontal na paglipat ng gene (Ingles: horizontal gene transfer o HGT o lateral gene transfer o LGT) ay tumutukoy sa paglilipat ng henetikong materyal sa pagitan ng mga organismo kesa sa bertikal na paglilipat ng gene. Ang bertikal na paglilipat ay nangyayari kapag may pagpapalit ng gene mula sa pang-magulang na paglikha sa supling nito. Ang LGT ay isang pagpapalit ng gene na nangyayari na hindi nakabatay sa reproduksiyon. Ang horisontal na paglilipat ng gene ang pangunahing dahilan ng hindi pagtalab ng antibiotiko sa bacteria[1][2][3][4] at sa ebolusyon ng bacteria na sumira sa mga compound gaya ng mga nilikha ng taong pestisidyo[5]. Ang horisontal na paglipat ng gene na ito ay kalimitang sumasangkot sa mga plasmid. [6] Ang mga gene na responsable sa resistansiya sa antibiotiko sa isang espesye ng bacteria ay maaaring mailipat sa ibang mga espesye ng bacteria sa pamamagitan ng iba't ibang mga mekanismo (e.g., sa pamamagitan ng F-pilus) na kalaunang nag-aarmas sa tumatanggap ng mga gene ng resistansiya sa antibiotiko laban sa mga antibiotiko na nagiging isang hamon pang-medikal. Ito ang mahalagang dahilan na ang mga antibiotiko ay hindi dapat inumin ng mga pasyente na walang angkop na reseta ng mga doktor.[7] Karamihan sa mga pag-iisip sa henetika ay nakapokus sa bertikal na pagsasalin ng gene ngunit may lumalaking kamalayan na ang horisontal na paglilipat ng gene ay mataas na mahalagang phenomenon at sa mga isang-selulang organismo at marahil ang nangingibabaw na anyo ng pagsasali ng gene. [8][9] Ang artipisyal na horisontal na paglilipat ng gene ay isang anyo ng inhenyeryang henetiko (genetic engineering). Sanggunian
|