Ang Imperyong Mongol noong 1227 sa pagkamatay ni Genghis Khan
Dobleng pilak na dirham ni Ghazan Khan na ginawa pagkatapos ng panghihimasok ng Imam na si Ibn Taymiyyah .[ 1] Harap: Leyenda sa Arabe: لاإله إلا الله محمد رسول الله صلى الله عليه وسلم/ ضرب تبريز/ في سنة سبع ...ر Lā ilāha illa llāha Muḥammadun rasūlu llāhi ṣalla llāhu ʽalayhi wa-sallam / ḍuriba Tabrīz / fī sanati sabʽin ... : "Walang ibang Diyos kundi si Allah , si Muhammad ang kanyang Propeta, sumakanya ang Kapayapaan / Naka-minta sa Tabriz sa taong ...7"Likod: Leyenda sa sulat Mongoliyano (maliban para sa "Ghazan Mahmud" sa Arabe): Tengri-yin Küchündür. Ghazan Mahmud. Ghasanu Deledkegülügsen : "Sa pamamagitan ng kalakasan ng Kalangitan / Ghazan Mahmud / Ginawa ang barya para sa Ghazan". Minta ng Tabriz . 4.0 gr (0.26 g). Pilak.
Ang pambungad na pahina ng isa sa mga gawang pangmedisina ni Ibn al-Nafis . Marahil na kopya ito na ginawa sa India noong ika-17 dantaon o ika-18 dantaon .
Ang ika-13 dantaon ay isang siglo na tumagal mula Enero 1, 1201 hanggang Disyembre 31, 1300 sang-ayon sa kalendaryong Huliyano .
Sa panahong ito, itinatag ni Genghis Khan ang Imperyong Mongol , na sumakop mula Silangang Asya hanggang Silangang Europa . Binago ang kurso ng mundong Muslim ang mga pananakop ni Hulagu Khan at ibang mga pagsalakay ng Mongol, higit na kapansin-pansin ang Pagkubkob ng Baghdad (1258), ang pagwasak ng Bahay ng Karanungan at paghina ng mga Mamluk at Rum, na, sang-ayon sa mga dalubhasa sa kasayasayan, nagdulot ng paghina ng Ginintuang Panahong Islamiko . May ibang mga kapangyarihang Muslim tulad ng Imperyong Mali at Sultanato ng Delhi ang sumakop sa malaking bahagi ng Kanlurang Aprika at subkontinenteng Indiyano , habang nakaranas ang Budismo ng paghina. Sa kasaysayan ng kulturang Europeo, tinuturing ang panahon na ito bilang ang Mataas na Gitnang Panahon .
Mahahalagang tao
Antonio ng Padua , Pransikanong Portuges na prayle, obispo
Cimabue , Plorentinong pintor
Dante Alighieri , Plorentinong manunulat at manunula
Isabel ng Ungria , Ungarang prinsesa ng Kaharian ng Ungria
Fibonacci , Italyanong matematiko na nakilala sa pagtuklas ng mga bilang na Fibonacci
Francisco ng Asisi , Umbriyanong tagapagtatag ng orden ng Pransikano
Federico II , emperador ng Banal na Imperyong Romano
Genghis Khan , tagapagtatag ng Imperyong Mongol
Gertrudis Magna , Katolikong Aleman na madre at espirtuwal na manunulat
Giotto di Bondone , Italyanong pintor
Ibn Taymiyyah , tanyag na Hanbali, iskolar na Salafi ng Islam
Kublai Khan , pinunong Mongol, tagapagtatag ng Dinastiyang Yuan sa Tsina
Jalal Uddin Muhammad Rumi , iskolar at sikat na manunula
Louis IX ng Pransya , San Louis, hari at krusadong Pranses
Marco Polo , manganalakal at manggagalugad na taga-Benisya
Mga imbensyon, tuklas at pagpapakilala
Maagang ika-13 dantaon – pininta ni Xia Gui ang Labing-dalawang Tanaw mula sa isang Nakapawid na Kubo , noong Dinastiyang Katimugang Song.
Nagmula ang anyong motet mula sa tradisyong Ars antiqua ng Kanluraning musikang Europeo .
Ang pinakamaagang kilang kwitis , mina, at baril ay ginawa ng mga Tsino para sa pakikipagdigma.
Hiniram ng mga Tsino ang mulino mula sa Islamikong mundo.
Naimbento ang salamin sa mata sa Venice , Italya .
Mga sanggunian