President Manuel A. Roxas, Zamboanga del Norte
Ang Bayan ng President Manuel A. Roxas ay isang ika-2 klaseng bayan sa lalawigan ng Zamboanga del Norte, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 39,198 sa may 9,798 na kabahayan. Unang itinatag ang bayan ng President Manuel A. Roxas nang ihiwalay ang orihinal na 21 barriong bumubuo nito mula sa bayan ng Katipunan sa bisa ng Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 177 ni Pangulong Diosdado Macapagal noong 1965, ngunit ito'y pinawalang-bisa ng Kataas-taasang Hukuman makalipas ang sampung buwan. Noong 1967, itinatag muli ang naturang bayan sa bisa na ng Batas Republika 5077.[3] Mga BarangayAng bayan ng Pres. Manuel A. Roxas ay nahahati sa 31 mga barangay.
Demograpiko
Mga sanggunian
Mga kawing panlabas
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito. |