RigvedaAng Rigveda (Sanskrit: ऋग्वेद ṛgveda, na isang compound ng ṛc "papuri, talata"[1] at veda "kaalaman") ay isang sinaunang Indianong sagradong kalipunan ng mga himnong Vedikong Sanskrit. [2] Ito ay binibilang sa apat na mga kanonikal na sagradong teksto (śruti) ng Hinduismo na kilala bilang ang Mga Veda.[3] Ang ilan sa mga talata nito ay binibigkas pa rin sa mga panalanging Hindu, sa mga gampaning relihiyoso at iba pang mga okasyon na naglalagay sa mga ito na pinakamatandang mga kasulatang relihiyoso na patuloy na ginagamit. Ang Rigveda ay naglalaman ng ilang mga mitolohikal at matulang mga salaysay ng pinagmulan ng daigdig, mga himnong pumupuri sa mga diyos at mga sinaunang panalangin para sa buhay, kasaganaan, etc.[4] Ito ay isa sa pinakamatandang umiiral na mga teksto ng wikang Indo-Europeo. Ang ebidensiyang pilolohikal at linguistiko ay nagpapakita na ang Rigveda ay nilikha sa hilagang-kanlurang rehiyon ng subkontinenteng Indiyano na tinatayang sa pagitan ng 1700 BCE at 1100 BCE na simulang panahong Vediko.[5] Mga sanggunian
|