SalitaAng salita[etymology?] ay ang yunit ng wika na siyang nagdadala ng payak na kahulugan, at binubuo ng isa o higit pang morpema, na higit-kumulang ay mahigpit na sama-samang magkakaugnay, at may halagang ponetika. Tipikal na binubuo ang isang salita ng isang ugat, at maaaring mayroon o walang panlapi. Sa ngayon, hindi pa tuluyang napapagkasunduan ng mga lingguwistiko kung ano nga ba ang maituturing na "salita" at hindi, lalo na kung ihihiwalay ang wika sa kaniyang sistema ng panulat. At, hindi pa rin napapagkasunduan ang pinagkaiba ng "salita" at "morpema."[1] Maaaring pagsamahin ang salita upang makabuo ng mga pananalita, parilala, sugnay at pangungusap. KahuluganSinalin mula sa artikulo: Word [ENG]. LagumanMarami na ang naging suhestiyon bilang pamantayan sa pagtukoy sa mga salita, ngunit hindi lahat ay maaaring gamitin sa lahat ng wikang nalalaman natin sa kasalukuyan. Sa isang talasalitaan o diksyunaryo nakahanay ang lexicon ng isang wika. Maaaring gamiting pamantayan ito upang malaman kung ano nga ba ang maituturing na "salita" (ayon sa opinyon ng nagsulat nito). Kapag lalong malawak ang kahulugan ng isang salita, madalas itong pinagmumulan ng debate o hindi pagkakaintindihan. Semantic definitionSi Leonard Bloomfield ang unang nag-akala sa konsepto ng "Minimal Free Forms" noong 1928. Ayon sa kaniya, ang isang salita ay ang pinakamaliit na yunit ng speech o pagbigkas, na mayroong kahulugan. Ngunit hindi lahat ng salita ay maiaayon sa kahulugang ito, katulad na lamang ng mga salitang ang at ng. Ayon sa ilang semanticists (semantisista), mayroong tinatawag na semantic primitives o semantic primes; mga salitang hindi agarang mabibigyang-depinisyon, na nagsasaad ng mga konseptong pundamental na nagkakaroon lamang ng kahulugan sa budhi o intensyon ng tagasalita. Ang mga primes na ito ang siyang batayan sa paglalarawan ng kahulugan--ng walang circularity (paglarawan sa isang salita gamit ang salitang inilalarawan)--ng iba pang mga salita pati na ang sadyang kahulugang naiayon na sa mga ito. Mga KatangianBatid naman ng Teoryang Minimalista, nakasaad sa kanilang theoretical syntax na ang mga salita (tinatawag na lexical items sa literatura) ay pawang "magkakabungkos" na linguistic features na magkakaugnay sa isang regular na estrukturang nagtataglay ng hugis at kahulugan. Halimbawa, ang salitang "koalas" ay may semantikong katangian (isa itong hayop, ang koala), katangiang naiuuri (pangngalan ito), katangiang pamilang (tumutukoy sa maraming koala at nararapat na sumang-ayon sa mga pandiwa, panghalip, at iba pang salitang nasasaklaw nito [sa isang pangungusap]), katangitang ponolohikal (paano ito bigkasin), atbp. Word Boundaries (Delimitasyon)Saan nga ba nagtatapos ang isang salita at nagsisimula ang kasunod? Maraming paraan kung paano:
OrtograpikaSinalin mula sa artikulo: Word [ENG]. Doon sa mga wikang may kalakip na paraan ng pagsulat, mayroon ditong (direktang[?]) kaugnayan sa pagitan ng ortograpika at sa kung ano nga ba ang isang salita. Ang mga Word separators (Fil: tagapagbukod ng salita[?]), na kadalasan ay makikita sa anyo ng spaces o mga patlang, ay karaniwang matatagpuan sa mga wikang gumagamit ng isang alpabeto. Ngunit kahit ito ay maituturing na makabagong katangitan sa kasaysayan ng pagsulat. Sa Ingles, mayroong tinatawag na compond expression (Fil: nagtatambalang pahayag[?]). Dito, gumagamit ng higit sa isang salita upang makabuo ng panibagong kahulugan. Sa Filipino halimbawa, ang mga katagang kabiláng ibayo, walang kwenta, at lukso ng dugo ay mga katagang may ibang kahulugan kapag pinagsama ngunit gumagamit pa rin ng patlang. Kadalasang matatagpuan ang mga katagang ito bilang sawikain, o madalas ay nagdidikit upang maging salitang tambalan (Tignan: Tambalan). Hindi lahat ng wika ay gumagamit ng patlang. Sa wikang Mandarin Chinese (isang uri ng analytical language), dikit-dikit ang mga salita sa isang pangungusap. Maraming tinatawag na multiple-morpheme compounds sa Mandarin pati mga bound morphemes na nagpapalabo sa kung ano ang maituturing na salita. Wala ring patlang sa wikang Hapon, ngunit nagpapalinaw ang paggamit ng kanji, katakana, at hiragana upang matukoy ang isang salita. (Kalakip na pagbasa: Wikang Hapones) Sa wikang Vietnamese, hindi salita ang binibigyang delimitasyon kundi mga morponemang may isahang pantig lamang. Uri/Antas ng SalitaAng sumusunod ay ang pagkakapangkat ng mga uri/antas ng salita sa Wikang Filipino. PormalIto ay ginagamit sa mga seryosong publikasyon at gumagamit ng mga salitang mas komplikado kumpara sa ginagamit sa pang-araw-araw na usapan. Itinuturing na pinakamataas na antas sapagkat karaniwang kinikilala na may batayan. PambansaWikang ginagamit sa paaralan, pamahalaan at simbahan. Batid ng sambayanan ang mga salitang kabilang sa antas na ito. Halimbawa: bansa, tao, batas, at iba pa. Pampanitikan o PanretorikaPinakamataas at pinakamayamang antas dahil ang mga salita ay malikhain, masining at matalinhaga na ginagamit sa panitikan. Halimbawa: mga idyoma [gaya ng?], tayutay [gaya ng?] at iba pa. Di-pormal o ImpormalIto ay ginagamit ng karaniwang tao sa araw-araw; simple ang bokabularyo nito. LalawiganinMga salitang diyalektal, o wika sa partikular na lugar o lalawigan lamang. Maaaring magkaiba-iba sa tono, gamit na pananalita, at maging sa hanay ng mga salita ayon sa lalawigan. Salitang KolokyalIto ang mga karaniwang salitang pambansang nabuo sa pamamagitan ng pagsasama o pagdudugtong ng salita.
Salitang BanyagaKaraniwang ginagamit ng mga Pilipino sa larangan ng komunikasyon ang mga ito. Lagi nang humahalo ang mga salitang ito saanmang usapang impormal. Madalas din itong gamitin kung walang malinis na pagsasalin sa wikang kinalakhan. Halimbawa: "Nakakatakot talaga ang supertyphoon, ano?" Salitang BalbalWalang pamantayan ang gamit nito. Nabubuo ito ng isang pangkat ng lipunan para sa kanilang partikular na pagkakakilanlan. Karaniwang nauuso lamang ito at paglipas ng ilang panahon, maaaring mawala at mapalitan ng iba pang salitang balbal.
Kayarian ng SalitaAng sumusunod ay ang pagkakapangkat ng kayarian ng mga salita sa Wikang Filipino.
PayakIto ang salitang-ugat. Wala itong panlapi, walang katambal na ibang salita at hindi inuulit. Halimbawa: bata, paa, daga MaylapiMayroong lapi. Binubuo ito ng salitang-ugat na may kasamang panlapi.
InuulitAng salita ay inuulit kapag ang kabuoan o isa o higit pang pantig sa dakong unahan ay inuulit.
TambalanAng salita ay tambalan kung ito ay binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita lamang.
Mga SanggunianMga Pinagkukunan
Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika, Panitikan at Komunikasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito. |