Siklo ng selula
Ang siklo ng selula (Ingles: cell cycle o cell-division cycle) ang sunod sunod na mga pangyayaring nangyayari sa isang selula na tumutungo sa paghahati nito at pagkokopya sa sarili(duplication o replication). Sa mga selulang walang nucleus ng selula, ang siklo ng selula ay nangyayari sa pamamagitan ng prosesong tinatawag na binaryong fission. Sa mga selulang may nucleus gaya ng mga eukaryotes, ang siklo ng selula ay maaaring hatiin sa tatlong yugto:
Ang siklong paghahati ng selula ay isang mahalagang proseso kung saan ang isang napunlay na itlog ay umuunlad sa isang matandang organismo gayundin ang proseso kung saan ang buhok, balat, selula ng dugo at ilang mga panloob na organo ng tao ay nababago. Mga yugtoAng siklo ng selula ay binubuo ng apat na walang mga katulad na yugto: yugtong G1, yugtong S(biosintesis), yugtong G2(na pinagsamang tinatawag na interphase), yugtong M(mitosis). Ang yugtong M ay mismong binubuo ng dalawang mahigpit na magkadugtong na mga proseso: ang mitosis kung saan ang mga kromosoma ng selula ay nahahati sa pagitan ng dalawang mga anak na selula at cytokinesis kung saan ang cytoplasmo ng selula ay nahahati sa kalahati na bumubuo ng mga walang katulad na selula. Ang pagpapagana ng bawat yugto ay nakabatay sa tamang progresyon at pagkumpleto ng nakaraang yugto. Ang mga selulang temporaryong o pabaliktad na huminto sa paghahati ay sinasabing pumasok sa estadong quiescence(hindi aktibo) na tinatawag na yugtong G0.
Pagkatapos ng paghahati ng selula, ang bawat mga anak na selula(daugther cells) ay magsisimula ng interphase ng bagong siklo. Bagaman ang iba't ibang mga yugto ng interphase ay hindi karaniwang makikita ang pagkakaibang morpolikal, ang bawat yugto ng siklo ng selula ay may walang katulad na hanay ng mga ginawang espesyal na mga prosesong biokemikal na naghahanda sa celula sa pagsisimula ng paghahati ng selula. |