Streptomyces
Ang Streptomyces ay ang pinakamalaking sari ng Actinobacteria at isang uring sari ng pamilyang Streptomycetaceae.[1] Mahigit sa 500 espesye ng Streptomyces ang natuklasan na.[2] Tulad ng ibang Actinobacteria, mga Gram-positive ang streptomycetes, at mayroong genomes na may mataas na nilalamang GC.[3] Kadalasan silang makikita sa lupa at nabubulok na behetasyon. Karamihan sa mga streptomycetes ay naglalabas ng mga espore, at makikilala sila sa kanilang "malalupang" amoy na nagreresulta sa produksyon ng isang metabolito, ang geosmin. Naitala ang mga streptomycetes na mayroon silang kumplikadong ikalawang metabolismo.[3] Naglalabas sila ng ikalawa-tatlo ng mga ginagamit na antibiotiko na nagmula sa natural (hal, neomycin, cypemycin, grisemycin, bottromycins at chloramphenicol).[4][5] Nagmula ang pangalang streptomycin, isang antibiotiko mula sa Streptomyces. Hindi kadalasang patoheno ang mga streptomycetes, subalit mayroon ibang impeksiyon sa tao tulad na lamang ng mycetoma, na kakagawan ng S. somaliensis at S. sudanensis, at sa halaman ay sinasanhi ng S. caviscabies, S. acidiscabies, S. turgidiscabies at S. scabies. Talababa
Malayuang pagbabasa
Mga kawing panlabas
|