The Pentagon
Ang The Pentagon ay ang punong-tanggapan ng Kagawaran ng Tanggulan ng Estados Unidos, ito ay matatagpuan sa Arlington County sa Virginia. Bilang simbolo ng Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos, ang "the Pentagon" ay karaniwang ginagamit upang tukuyin ang Kagawaran ng Tanggulan ng Estados Unidos. Dinisenyo ng arkitektong si George Bergstrom, at itinayo ng kontratistang si John McShain ang Pentagon. Ginanap ang groundbreaking noong Setyembre 11, 1941, at ihinandog ang gusali noong Enero 15, 1943. Si Heneral Brehon Somervell ang nagbigay ng pangunahing motibo upang maisagawa ang proyekto;[2] at si Koronel Leslie Groves naman ang naging nangasiwa ng proyekto para sa Hukbong Katihan ng Estados Unidos. Ang Pentagon ay isang malaking gusaling tanggapan na may sukat na 620,00 m², kung saan 340,000 m² ay ginagamit na opisina.[3][4] Humigit-kumulang 23,000 militar at sibilyang empleyado at mga 3,000 di-depensang katulong na tauhan ang nagtratrabaho sa Pentagon. May lima itong gilid, limang palapag sa ibabaw ng lupa, dalawang palapag na basement, at limang paikot na pasilyo sa bawat palapag na may kabuuang habàng 28.2 km.[4] Mayroon din itong 20,000 m² patio sa gitna, na hugis pentagon at impormal na tinatawag na "ground zero", isang palayaw na nagsimula noong Cold War sa hinuhang ito'y gagawing target ng Unyong Sobyet sa pagsiklab ng digmaang nuklear.[5] Pagatake ng 9/11Noong Setyembre 2011, eksaktong 60 taon, matapos simulan ang konstruksiyon ng gusali, na-highjack ang American Airlines Flight 77 at pinalipad sa kanlurang gilid ng gusali, kung saan 189 katao ang nasawi.[6] Ito ang kauna-unahang katala-talang dayuhang pag-atake sa pasilidad ng pamahalaan sa kabisera ng Estados Unidos, mula noong pagsunog ng mga pasilidad ng pamahalaan sa Washington noong Digmaan ng 1812. Mga sanggunian
|