Pang-uriAng pang-uri o sugnó ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan, karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito. Gayon man, hindi kinikilalang uri ng salita sa pangkalahatan ang pang-uri; sa ibang salita, may mga ilang wika ang hindi gumagamit ng mga pang-uri. [kailangan ng sanggunian] Ang pang-uri ay nagbibigay ng turing sa isang pangngalan o panghalip.Ang mga pinakakinikilalang mga pang-uri ay iyong mga salita katulad ng malaki, matanda at nakakapagod na sinasalarawan ang mga tao, mga lugar, o mga bagay. Kayarian ng Pang-uriMay apat na anyo/kayarian ang mga pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod: PayakIto ay binubuo ng mga salitang-ugat lamang. Halimbawa: hinog, sabog, ganda MaylapiIto ay mga pang-uri na binubuo ng salitang-ugat at panlapi. Halimbawa: tinanong, kumakain, pagmahal InuulitIto ay binubuo sa pamamagitan ng pag-ulit ng buong salita o bahagi ng salita. Halimbawa: pulang-pula, puting-puti, araw-araw, gabi-gabi (Hindi inuulit ang mga salitang: halo-halo, paru-paro) TambalanIto ay binubuo ng dalawang salitang pinagtatambal. Halimbawa: ningas-kugon, ngiting-aso, balat-sibuyas, kapit-tuko, bahag buntot Uri ng Pang-uriMay tatlong uri ang mga pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod: PanlarawanIto ay nagsasaad ng laki, kulay, anyo, amoy, tunog, yari, lasa at hugis ng mga pangngalan o panghalip. Halimbawa: munti, biluhaba, matamis, malubha PantangiSinasabi nito ang tiyak na pangngalan. Ito ay binubuo ng isang pangngalang pambalana at isang pangngalang pantangi. Ang pangngalang pantangi (na nagsisimula sa malaking titik) ay naglalarawan o tumutukoy sa uri ng pangngalang pambalana. Halimbawa: wikang Ingles, kulturang Espanyol, pagkaing Iloko PamilangIto ay nagsasabi ng bilang, dami, o posisyon sa pagkakasunodsunod ng pangngalan o panghalip. May ilang uri ito. PatakaranIto ay nagsasaad ng aktuwal na bilang ng tao o bagay. Ito ay mga basal na bilang o numeral. Halimbawa: isa, apat, limang libo PanunuranIto ay nagsasaad ng posisyon ng pangngalan sa pagkasunod-sunod ng mga tao o bagay. Isinasabi ng mga ito kung pang-ilan ang tao o bagay. Halimbawa: ikatlo, una, pangalawa PamahagiIto ay nagsasaad ng bahagi ng kabuuan ng pangngalan. Ang unlaping tig- ay nagsasaad ng pantay na pamamahagi (equal distribution). Ginagamit ito kapag ang bilang ng bagay na ibinigay o natanggap ay parepareho. Maaari rin na may anyong bahagimbilang o hating-bilang (fraction sa Ingles) ang pamahaging pamilang. Ginagamit din ang salitang bahagdan, persentahe, o porsiyento pagkatapos ng bilang para sa bahagi ng isang daan. Halimbawa: kalahati, limang-kawalo, sangkapat PahalagaIto ay nagsasaad ng halaga (katumbas na pera) ng bagay o anumang binili o bibilhin. Halimbawa: piso, limampung sentimo, sandaang piso PalansakIto ay nagsasaad ng pagpapang-pangkat ng mga tao o bagay. Itinutukoy nito ang bilang na bumubuo ng isang pangkat ng tao o bagay na pinagsama-sama. Halimbawa: dalawahan, sampu-sampu, animan PatakdaIto ay nagsasaad ng tiyak na bilang ng pangngalan. Ang bilang na ito ay hindi na madadagdagan o mababawasan pa. Halimbawa: iisa, dadalawa, lilima Antas ng Hambingan ng Pang-uriMay tatlong antas ng hambingan ng pang-uri. LantayIto ay naglalarawan lamang ng isa o payak na pangngalan o panghalip. Halimbawa: maliit, kupas, mataba PahambingIto ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip. MagkatuladIto ang paghahambing kung patas sa katangian ang pinagtutulad. Ginagamitan ito ng mga unlapi tulad ng ga-, sing-/kasing-, magsing-/magkasing-. Di-magkatuladIto ang paghahambing kung nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait, pagtanggi o pagsalungat.
PasukdolIto ang pinakadulong digri ng kaantasan. Ito ay maaaring positibo o negatibo. Ang paglalarawan ay masidhi kung kaya maaaring gumagamit ng mga katagang sobra, ubod, tunay, talaga, saksakan, hari ng ___, at kung minsa'y pag-uulit ng pang-uri.
Antas ng Paglalarawan ng Pang-uriTatlo ang antas ng paglalarawan ng pang-uri. Ang mga antas na ito ay walang paghahambing. LantayIto kapag payak o karaniwang anyo ng pang-uri ang ginagamit sa paglalarawan. Halimbawa: matalino, palatawa KatamtamanIto kapag sinasamahan ng mga salitang medyo, nang kaunti, nang bahagya o pag-uulit ng salitang-ugat o unang dalawang pantig ng salitang-ugat. Halimbawa: medyo mataba, malakas nang bahagya, malakas-lakas, matabang nang kaunti MasidhiIto kapag gumagalit ng napaka, ubod ng, saksakan ng, talagang, sobrang, masyadong at pag-uulit nang buo ng pang-uri. Ang paglalarawan sa antas na ito ng katangiang taglay ng pangngalan o panghalip ay matindi o sobra. Halimbawa: napakalakas, ubod ng bait, talagang mabango, makinis na makinis Kailanan ng Pang-uriMay tuntuning sinusunod sa pag-buo ng kailanan ng pang-uring ginagamitan ng panlaping ma-. IsahanKung naglalarawan sa isang pangngalan/panghalip, ginagamit ang ma- at salitang-ugat. Halimbawa: masaya, maungkot MaramihanKung naglalarawan sa dalawa o mahigit pang pangngalan/panghalip, ginagamit ang ma- at inuulit angunang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat. Halimbawa: maliliit, magaganda Hindi na kailangan gamitin ang salitang mga kung magkasunod ang pangngalan at pang-uring ginagamitan ng pag-uulit ng unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat. Halimbawa: "Ang magagandang damit ay kasya kina Erica at Bel." Mga sanggunianMga Pinagkukunan
|