Ang wikang Malgatse o Malagasi (/ˌmalaˈɡasʲ/) ay isang wikang Austronesyo at ang pambansang wika ng Madagascar. Sinasalita ito ng karamihan sa mga tao sa Madagascar bilang unang wika pati na rin ng ilang tao na may Malgatse na pinanggalingan sa ibang dako.
Pag-uuri
Ang wikang Malgatse ay ang pinakakanlurang miyembro ng Malayo-Polinesyo na sangay ng wikang pamilya na Austronesyo.[2] Ang kaibahan nito mula sa kalapit na mga Aprikanong wika ay nabanggit noong 1708 ng Olandes na iskolar na si Adriaan Reland.[3] Ito ay may kaugnayan sa Malayo-Polinesyong mga wika ng Indonesia, Malaysia, at Pilipinas, at mas malapit sa mga wikang Silangang Barito na sinasalita sa Borneo maliban sa mga Polinesyong morponemiko nito.[4] Ayon kay Roger Blench (2010), ang pinakamaagang anyo ng wikang sinasalita sa Madagascar ay maaaring nagkaroon ng ilang mga di-Austronesyong substrata.[5]
Ang Madagascar ay unang tinirhan ng mga taong Austronesyo mula sa Karagatnin na Timog-silangang Asya na dumaan sa Borneo.[7] Ang mga migrasyon ay nagpatuloy sa unang milenyo, na nakumpirma ng mga lingguwistikong mananaliksik na nagpakita sa malapit na ugnayan sa pagitan ng wikang Malgatse at sa mga wikang Lumang Malay at Lumang Habanes ng panahong ito.[8][9] Sa malayong panahon, c. 1000, ang mga orihinal na Austronesyong naninirahan ay humalo sa mga Bantu at Arabo, kabilang ng iba.[10] May katibayan na ang (mga) hinalinhan ng mga Malgatse na diyalekto ay unang dumating sa katimugang kahabaan ng silangang baybayin ng Madagascar.[11]
Ang Malgatse ay may tradisyon ng pasalitang sining at matulain na mga kasaysayan at mga alamat. Ang pinaka-kilala ay ang pambansang epiko, ang Ibonia, tungkol sa isang katutubong bayaning Malgatse ng parehong pangalan.[12]
Mga sanggunian
↑Mikael Parkvall, "Världens 100 största språk 2007" (The World's 100 Largest Languages in 2007), in Nationalencyklopedin
↑Wittmann, Henri (1972). "Le caractère génétiquement composite des changements phonétiques du malgache." Proceedings of the International Congress of Phonetic Sciences 7.807-10. La Haye: Mouton.[1]
↑[2] Ricaut et alii (2009) "A new deep branch of eurasian mtDNA macrohaplogroup M reveals additional complexity regarding the settlement of Madagascar", BMC Genomics
↑Ferrand, Gabriel (1905). Les migrations musulmanes et juives à Madagascar. Paris: Revue de l'histoire des religions
↑Serva, Maurizio; Petroni, Filippo; Volchenkov, Dima; Wichmann, Søren. "Malagasy Dialects and the Peopling of Madagascar". arXiv:1102.2180.
↑"Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong July 22, 2011. Nakuha noong January 25, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)