Ang mga wikang Austronesyo o Awstronesyo (Wikang Espanyol: len·guas aus·tro·ne·sias; Ingles: Austronesian languages) ay isang pamilyang wika na malayang nakakalat sa mga kapuluan ng Timog-Silangang Asya at ng Pasipiko, na may ibang kasapi ginagamit sa mismong kontinente ng Asya. Katulad siya ng mga mag-anak na wikang Indo-Europeo, Apro-Asyatiko, at Uraliko bilang isa sa mga tanging establisadong mga sinaunang pamilyang wika. Ang pangalang Awstronesyo ay nagmula sa Latingauster (hangin mula sa timog), at ng Griyegongnêsos (pulo). Ang naturang pamilya ay pinangalanan bilang sa pangmadlang ng mga wikang Awstronesyo na ginagamit sa mga kapuluan: ngunit may mga wika tulad ng Malay at mga Wikang Tsamiko, na katutubo sa mismong kontinente ng Asya. Karamihan sa mga wikang Awstronesyo ay kaunting katutubong tagapagsalita, ngunit ang mga pangunahing wikang Awstronesyo ay ginagamit ng milyun-milyong katao. Si Otto Dempwolff, isang Alemang iskolar, ay ang unang tagapagsaliksik na malayong nassaliksik ang Awstronesyo ayon sa tradisyonal na paraang paghahambing.
Iba't ibang pinagmumulan ng mga wika ang naiiba, ngunit ang Austronesian at Niger-Congo ay ang dalawang pinakamalaking pamilya ng wika sa mundo sa bilang ng mga wika na naglalaman ng mga ito, bawat isa ay may halos isang-ikalima sa kabuuang wika na binibilang sa mundo. Ang heograpikong pagkakalat ng mga lupain ng mga wika ay isa sa mga pinakamalawak, na nagsisimula sa Madagaskar hanggang sa Pulo ng Paskuwa. Ang mga wikang Hawayano, Rapanui at Malgatse (ginagamit sa Madagaskar ay ang mga hangganang heograpiko ng pamilyang Awstronesyo.
Ang pamilyang Awstronesyo ay may maraming pangunahing sanga, maliban sa isa na matatagpuan lamang sa Taywan. Ang mga wikang Pormosyano ng Taiwan ay ipinangkat bilang kasingdami ng siyam na unang subgrupo ng Awstronesyo. Ang lahat ng wikang Awstronesyo na ginagamit sa labas ng Taiwan (kasama ang Wikang Yami) ay nabibilang sa sangang Malayo-Polinesyo, na minsan ding tinatawag na Extrapormosyano.
Marami sa mga wikang Awstronesyo ang nagungulang ng mahabang kasaysayan ng nakasulat na atestasyon (patotoo ng pag-iral). Ang pinakalumang inskripsyon sa wikang Tsam, ang Inskripsyong Đông Yên Châu, na tinatayang naisagawa noong ika-6 na siglo sa pinakahuli nito, ay ang unang patotoo rin ng isang wikang Awstronesyo.
Kabalangkasan
Sadyang mahirap ang pagbigay ng tuntuning panlahat ng tungkol sa wika na ganap na diberso katulad ng Awstronesyo. Sa pangakalahatan, mahahati ang Awstronesyo sa tatlong pangkat ng mga wika: Pilipino (Philippine type), Indonesyo at Post-Indonesyo.
Nabibilang sa unang pangkat, bukod sa mga wika ng Pilipinas, ang mga wikang Awstronesyo ng Taiwan, Sabah, hilagang Sulawesi at Madagaskar. Pangunahing mayroong katangian ang mga iyon ng pagpapanatili ng orihinal na sistemang Philippine-type voice alternations kung saan karaniwang binibigyang-tiyak ng mga tatlo o apat na tinig kung aling semantiko ang binibigyang-papel ang "paksa" na binibigyang-pahayag (maaaring bigyang-pahayag ang tagagawa, ang binibigyang-gawa, ang kinaroroonan at ang benepisyaryo, o iba pang mga pangkalagayang ganap katulad ng mga instrumento o kaugnay).Bukod dito, ang pagpili ng boses ay naiimpluwensyahan ng pagiging tiyak ng mga kalahok. Ang utos ng salita ay may matinding pagkahilig na maging paunang salita.
Sa kabaligtaran, ang mas makabagong mga lengguwahe ng Indonesian na uri, na partikular na kinakatawan sa Malaysia at kanlurang Indonesya, ay binawasan ang sistema ng boses sa pagkakaiba sa pagitan ng dalawa lamang na boses (voice actor at "undergoer" na boses), ngunit ang mga ito ay suplementado ng [ [pang-aplikadong boses | applicative]] mga morpolohiya na aparato (orihinal na dalawa: mas direktang * - i at mas pahilig * - isang / - [a] kən ), na nagsisilbi upang baguhin ang semantiko na papel ng "undergoer". Ang mga ito ay din nailalarawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga nahahalina clitic pronouns. Hindi tulad ng uri ng Pilipinas, karamihan sa mga wikang ito ay may posibilidad na maging verb-second word-order. Ang ilang mga wika, tulad ng Wikang Batak, Lumang Habanes, Balinese, Sasak at ilang mga wika ng Sulawesi ay mukhang kumakatawan sa isang intermediate na yugto sa pagitan ang dalawang uri na ito.[1][2]
Sa wakas, sa ilang mga wika, kung saan tinatawag ni Ross ang "post-Indonesian", ang orihinal na sistema ng boses ay ganap na nasira at ang mga affixes ng voice-mark ay hindi na panatilihin ang kanilang mga function.
Nagagamit din sa mga wikang Awstronesyo ang tinatawag na "reduplikasyon" (pag-uulit ng lahat o bahagi ng isang salita, katulad ng wiki-wiki o agar-agar, o dahan-dahan), at, katulad ng karamihan sa mga wika ng Silangan at Timog-silangang Asya, karamihan ay mayroong mahigpit na mataas na ponotaktiko, na kalimitang mayroong munting bilang ng mga ponema at nakakaraming mga pantig na katinig-patinig. Matatag o estable naman ang ilan sa mga kognado.
Leksiko
Naitatag ang pamilya ng wikang Awstronesyo ng mga pamamaraang paghahambing na linggwistiko batay sa mga kognado, pangkat ng mga salitang magkakawangis sa tunog at kahulugan na nagpapahiwatig na nagmula ang mga iyon mula sa parehong salitang ansestral sa Proto-Awstronesyo ayon sa pagkalahatang alituntunin. Ang salita para sa mata sa mga wikang Awstronesyo ay mata rin (karamihan sa mga wikang Awstronesyo sa bandang hilaga, mga wikang Pormosyano katulad ng Bunun at Amis at papunta na sa katimugan na Maori). Mahirap din namang isagawa ang rekonstruksyon (pagmuling-tatag) ng ibang mga salita. Estable rin ang salita para sa dalawa, na siyang nalitaw sa halos kabuuan ng pamilyang Awstronesyo, ngunit ang ilan sa mga anyo (hal. Bununrusya, lusha; Amistusa; Maoritahi, rua) ay nangangailangan ng kadalubhasaang pang-aghamwika upang mabigyang-kilanlan.
Klasipikasyon
Masikot at mahirap unawain ang panloobang kaanyuan ng mga wikang Awstronesyo. Binubuo ang pamilyang ito ng pare-pareho at magkakalapit na magkakaugnay na mga wika na may mga malalaking bilang ng tinatawag na diyalektong kontinyuwum, na nagpapahirap sa hangganan ng mga pagitan ng mga sanga ng pamilya. Ganoon pa man, malinaw na ang pinakamalaking dibersidad na pang-akan (henealohiko) ay makikita sa mga wikang Pormosyano ng Taiwan, at ang pinakamunting dibersidad naman sa mga kapuluan sa Pasipiko, na nagbibigay-batid ng pagkaka-kalat ng pamilya na mula sa Tsina o Taiwan.
Pagkakahambing
Nasa bandang ibaba ang tsart ng komparasyon ng mga wika Awstronesyo.
Bellwood, Peter (1998). "Taiwan and the Prehistory of the Austronesians-speaking Peoples". Review of Archaeology. 18: 39–48. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong)
Bellwood, Peter; Fox, James; Tryon, Darrell (1995). The Austronesians: Historical and comparative perspectives. Department of Anthropology, Australian National University. ISBN0-7315-2132-3. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)
Blundell, David. "Austronesian Dispersal". Newsletter of Chinese Ethnology. 35: 1–26. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong)
Blust, Robert (1985). "The Austronesian Homeland: A Linguistic Perspective". Asian Perspectives. 26: 46–67. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong)
Blust, Robert (1999). "Subgrouping, circularity and extinction: some issues in Austronesian comparative". Sa Zeitoun, E.; Li, P.J.K (mga pat.). Selected papers from the Eighth International Conference on Austronesian Linguistics. Taipei: Academia Sinica. pp. 31–94. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)
Comrie, Bernard (2001). "Languages of the world". Sa Aronoff, Mark; Rees-Miller,, Janie (mga pat.). The Handbook of LinguisticsLanguages of the world. Oxford: Blackwell. pp. 19–42. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: extra punctuation (link)
Dyen, Isidore (1965). "A Lexicostatistical classification of the Austronesian languages". International Journal of American Linguistics (Memoir 19). {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong)
Fuller, Peter (2002). "Reading the Full Picture". Asia Pacific Research. Canberra, Australia: Research School of Pacific and Asian Studies. Inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 27, 2011. Nakuha noong July 28, 2005. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
Li, Paul Jen-kuei (2004). "Origins of the East Formosans:Basay, Kavalan, Amis, and Siraya". Language and Linguistics. 5 (2): 363–376. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong)
Ostapirat, Weera (2005). "Kra–Dai and Austronesian: Notes on phonological correspondences and vocabulary distribution". The Peopling of East Asia: Putting Together Archaeology, Linguistics and Genetics. London: Routledge Curzon. pp. 107–131. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong); Unknown parameter |editors= ignored (|editor= suggested) (tulong)
Peiros, Ilia (June 10–13, 2004). Austronesian: What linguists know and what they believe they know. the workshop on Human migrations in continental East Asia and Taiwan. Geneva. {{cite conference}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date and year (link)
Ross, Malcolm (2009). "Proto Austronesian verbal morphology: a reappraisal". Sa Adelaar, K. Alexander; Pawley, Andrew (mga pat.). Austronesian Historical Linguistics and Culture History: A Festschrift for Robert Blust. Canberra: Pacific Linguistics. pp. 295–326. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)
Ross, John (2002). "Final words: research themes in the history and typology of western Austronesian languages". Sa Wouk, Fay; Ross, Malcolm (mga pat.). The history and typology of Western Austronesian voice systems. Canberra: Pacific Linguistics. pp. 451–474. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)
Sagart, Laurent (2004). "The higher phylogeny of Austronesian and the position of Tai–Kadai". Oceanic Linguistics. 43: 411–440. doi:10.1353/ol.2005.0012. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong)
Sagart, Laurent (2005). "Sino-Tibeto-Austronesian: An updated and improved argument". Sa Blench, Roger; Sanchez-Mazas, Alicia (mga pat.). The Peopling of East Asia: Putting Together Archaeology, Linguistics and Genetics. London: Routledge Curzon. pp. 161–176. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)
Taylor, G. (1888). "A ramble through southern Formosa". The China Review. 16: 137–161. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong)
Terrell, John Edward (December 2004). "Introduction: 'Austronesia' and the great Austronesian migration". World Archaeology. 36 (4): 586–590. doi:10.1080/0043824042000303764. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong)
Thurgood, Graham (1999). "From Ancient Cham to Modern Dialects. Two Thousand Years of Language Contact and Change. Oceanic Linguistics Special Publications No. 28". Honolulu: University of Hawai'i Press. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong); Invalid |ref=harv (tulong)
Wouk, Fay and Malcolm Ross, eds. (2002), The history and typology of western Austronesian voice systems. Pacific Linguistics. Canberra: Australian National University.
↑Adelaar, K. Alexander and Nikolaus Limmelmann. 2005. The Austronesian Languages of Asia and Madagascar. P.6-7
↑Croft, William. 2012 Verbs: Aspect and Causal Structure. P.261
↑In Kedukan Bukit inscription appears the numeral Tlu ratus as Three hundred, Tlu as Three, in http://www.wordsense.eu/telu/ the word Telu is referred as Three in Malay and Indonesian Language although the use of Telu is very rare.
↑s.v. kawan, Old Javanese-English Dictionary, P.J. Zoetmulder and Stuart Robson, 1982
↑s.v. hañar, Old Javanese-English Dictionary, P.J. Zoetmulder and Stuart Robson, 1982
↑s.v. kami, this could mean both first person singular and plural, Old Javanese-English Dictionary, P.J. Zoetmulder and Stuart Robson, 1982