Wikang Waray
Ang Wináray, Win-áray, Waráy-Wáray o Waráy (karaniwang binabaybay bilang Waray; tinatawag ding L(in)eyte-Samarnon) ay ang pinakasinasalitang wika sa mga lalawigan ng Samar, Hilagang Samar, Silangang Samar, Leyte (silangang bahagi), at Biliran sa Pilipinas. Ang mga wikang Waray ay binubuo ng Waray-Waray, Waray ng Sorsogon, at Waray ng Masbate-Sorsogon. Bisakol ang minsang itinatawag sa Waray ng Sorsogon at ng Masbate-Sorsogon dahil halo ang mga ito ng Bisaya at Bikol. Lahat ng wikang Waray ay ibinibilang sa mga wika ng Kabisayaan at may malaking pagkakatulad sa Hiligaynon at Masbatenyo. Bagama’t may pagtatalo, ang Samarnon-Lineyte ay tinatawag lamang na Waray dahil iisa lamang wikang sinasalita nila. Gayon pa man, nagkakaiba ang pananalita nila sa kayarian ng pangungusap. Dahil dito ay may matatawag na Waray na Samarnon at Waray na Lineyte. Ganito man ay nananatili pa rin ang kanilang wikang Waray bilang pangunahing wika ng talastasan saan man manggaling sa mga nabanggit na lalawigan. Tungkol sa tamang paraan ng pagsulat sa wikang WarayAyon sa Sanghiran san Binisaya ha Samar ug Leyte ("Tanungan tungkol sa wikang Bisaya ng Samar at Leyte") na nagsaliksik ay wala pa rin itong iminumungkahing tamang paraan ng pagsulat. Itinuturing na katanggap-tanggap ang anumang mauunawaang pagbaybay at bigkas gaya ng:
Ilang pangungusap
Saklaw ng Waray-Waray
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito. |