Cabuyao
Ang Lungsod ng Cabuyao (Ingles: City of Cabuyao) ay isang unang klaseng lungsod sa lalawigan ng Laguna, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 355,330 sa may 100,875 na kabahayan. Sa kasalukuyan, ang Cabuyao ang mayroong pinakamabilis na pag-unlad sa Laguna, katunayan nito ay ang malaking bilang ng mga migranteng naghahanap-buhay sa mga industriya dito. Ang Nestlé Philippines at Asia Brewery, Inc. ay parehong matatagpuan sa Lungsod ng Cabuyao. Pisikal na KatangianLokasyonAng Lungsod ng Cabuyao ay matatagpuan mahigit apatnapu't tatlong (43) kilometro ang layo mula sa timog-silangan ng Kalakhang Maynila at sa kanlurang bahagi ng Lalawigan ng Laguna. Ito ay napapalibutan ng Laguna de Bay o ang Lawa ng Laguna sa hilaga, Lungsod ng Calamba sa silangan, mga bahagi ng bayan ng Silang, Cavite at Lungsod ng Tagaytay sa timog at Lungsod ng Santa Rosa sa kanlurang bahagi. Ang lungsod ay may layong limampu't apat (54) na kilometro mula sa bayan ng Santa Cruz, ang kabisera ng Laguna at layong siyam (9) na kilometro mula sa poblasyon ng Calamba na siyang kabisera ng Rehiyong CALABARZON. HeograpiyaAng nag-iisang lawa na matatagpuan sa Lungsod ng Cabuyao ay ang Lawa ng Laguna o kilala bilang Laguna de Bay. Ang mga barangay na nakatayo sa gilid nito ay ang Bigaa, Butong, Marinig, Gulod, Baclaran at Mamatid. Ang mga uri ng isda na mahuhuli sa lawa ay kanduli, biya, talapia, ayungin, hito, karpa, mamale, bangus, dalag, papalo, kakasuhet at dulong.[4] Sa mga ilog, ang Cabuyao ay mayroong:[5]
Ang mga palayan na matatagpuan sa Cabuyao ay nasa barangay ng Bigaa, Butong, Marinig, Gulod, Baclaran, Mamatid, San Isidro, Pulo, Banay-Banay, Niugan at Sala. Simula taong 2004[6], may kabuuang 940.56 ektarya ng lupaing palayan ayon sa datos ng Tanggapan ng Panlungsod na Agrikulturista. Mga puno ng Narra ay nakatayo sa tabing daan ng Poblacion-Marinig at sa loob ng bakuran ng gusali ng Pamahalaang Panlungsod. Ang mga agrikultural na halaman ay palay, kalabasa, bawang, pakwan, pinya, kape at iba pang halamang namumunga.[7] Demograpiko
RelihiyonMga BarangayAng Lungsod ng Cabuyao ay pampolitika na nahahati sa labingwalong (18) barangay.
KasaysayanAng pangalang ginagamit noon ng Cabuyao ay Tabuko, ngunit ito ay nasalin ng mga Kastila bilang Kabuyaw (pinangalan mula sa punong matatagpuan dito). Pagkatapos ng pag-kolonisa ng Maynila ni Miguel López de Legazpi noong 1570, inutusan niya si Kapitan Juan de Salcedo na sakupin ang lahat ng barangay na nakapalibot sa lawa ng Ba-i, na ngayon ay tinatawag na Lawa ng Bay. Tulad ng Ba-i, na mayaman sa kagubatan at may klimang nababagay sa mga pananim, ang Tabuko ay may malawak na kapatagan at inihayag ni Legazpi na ang Tabuko ay gawing encomienda o bayan sa ilalim ni Gaspar Ramirez. Ang bayan ng Tabuko ay malapit sa gilid ng isang ilog at lawa ng Ba-i at ang mga bangka ang naging pangunahing transportasyon sa bayan. Maraming puno noon ng kabuyaw na tumutubo sa lugar. ang bunga ng kabuyaw ay ginagamit bilang syampu. Kaya nang itanong ng Kastilang mga pari kung ano ang pangalan ng lugar, ang mga katutubong kababaihan ay sinagot ito ng "kabuyaw", na akala ay ang tinatanong nito ay ang mga punong tumutubo as lugar. Simula noon, ang mga pari at mga opisyal na Kastila ay tinawag ang Tabuko bilang Kabuyao o Cabuyao. Himno ng CabuyaoCabuyao na aming sinisinta... Cabuyao na sa amin ay gabay Cabuyao na aming minamahal Cabuyao na sadyang sakdal ganda O bayan ng Cabuyao Cabuyao na aming minamahal Cabuyao na sadyang sakdal ganda Mga Kawing Panlabas
Talababa
|