San Pedro, Laguna
Ang Lungsod ng San Pedro ay isang ika-1 klaseng lungsod sa lalawigan ng Laguna, Pilipinas. Ang pangalan nito ay isinunod sa santong patron nito, Si San Pedro. Ang San Pedro ay ang unang bayan ng Laguna na madadaan mula sa Kalakhang Maynila. Ang lugar ng San Pedro ay kilala bilang isang pamayanang pantahanan (residential), kung saan marami ang nagbabyahe patungong Kalakhang Maynila upang magtrabaho. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 326,001 sa may 82,292 na kabahayan. Mga BarangayAng lungsod ng San Pedro ay nahahati sa 27 barangay.
Mga PagdiriwangAng Pista ng Sampaguita ay isang malaking pista na ginanap sa buong bayan, simula ika-21 o 22 Pebrero na kadalasang inaabot ng isang linggo, na kinapalolooban ng mga parada, 'Hiyas ng San Pedro'-patimpalak sa Kagandahan, patimpalak sa pag-awit, mga pampalakasan, pag-sayaw ng mga katutubong sayaw-'Street Dancing', atbp. Ang Pista ay nag-nanais na maigunita ang kahalagahan ng Sampaguita sa kultura ng San Pedro, makahikayat ng turismo at paunlarin ang industriya ng sampaguita sa bayan. Mga kilalang taoRene M. Alviar, batikang peryodista ng Inquirer, Bulletin, at Star, at ngayo'y kolumnista sa Tutubi.ph Art Joseph Francis Mercado, Pangalawang Punong Lungsod (2019- Konsehal (2016-2019) Demograpiko
Mga sanggunian
Mga Kawing Panlabas
|