Distritong pambatas ng Albay
Ang mga Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Albay, Una, Ikalawa at Ikatlo ang mga kinatawan ng lalawigan ng Albay sa mababang kapulungan ng Pilipinas. KasaysayanAng Albay ay dating nahahati sa tatlong distritong pambatas mula 1907 hanggang 1931, nang madagdagan ng isang distrito ang lalawigan. Noong panahon ng Ikalawang Republika, nagpadala ng dalawang assemblymen at-large ang lalawigan sa Kapulungang Pambansa. Nang manumbalik ang Komonwelt, muling hinati ang lalawigan sa apat na distritong pambatas noong 1945. Ang noo'y sub-province ng Catanduanes ay naging ganap na lalawigan sa bisa ng Kautusang Komonwelt Blg. 687 na naaprubahan noong Setyembre 26, 1945. Hiniwalay ang buong ikaapat na distrito ng Albay upang buuin ang solong distrito ng Catanduanes na nagsimulang maghalal ng kinatawan noong eleksyon 1946. Mula apat, nabawasan sa tatlo ang mga distrito ng lalawigan. Bahagi ito ng kinakatawan ng Rehiyon V sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978 hanggang 1984. Mula 1984 hanggang 1986, nagpadala ng tatlong assemblymen at-large ang lalawigan sa Regular Batasang Pambansa. Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, muling hinati sa tatlong distritong pambatas ang lalawigan noong 1987. Unang Distrito
Notes Ikalawang Distrito
1907–1931
Ikatlong Distrito
Notes
1907–1931
Ikaapat na Distrito (defunct)
At-Large (defunct)1943–1944
1984–1986
Tingnan dinSanggunian
|