Distritong pambatas ng Cotabato
Ang mga Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Cotabato, Una, Ikalawa at Ikatlo ang mga kinatawan ng lalawigan ng Cotabato sa mababang kapulungan ng Pilipinas. KasaysayanBago hatiin ang Cotabato noong 1966Mula 1907 hanggang 1917, ang mga hindi Kristiyanong lugar ng Pilipinas (kasama ang Departamento ng Mindanao at Sulu) ay hindi nabigyan ng representasyon sa mababang kapulungan ng Lehislatura ng Pilipinas. Ngunit sa bisa ng Philippine Autonomy Act ng 1916 na naipasa ng Kongreso ng Estados Unidos, at ng Kautusan Blg. 2711 (Revised Administrative Code) na naaprubahan noong Marso 10, 1917, nabigyan ng karapatang marepresentahan ang Departamento ng Mindanao at Sulu sa mababang kapulungan. Limang kinatawan ang itinalaga ng Gobernador-Heneral na kakatawan sa pitong bahaging lalawigan ng Departamento ng Mindanao at Sulu — Agusan, Bukidnon, Cotabato, Davao, Lanao, Sulu at Zamboanga — sa mababang kapulungan bilang solong at-large na distrito. Nanatili ito kahit binuwag ang Departamento noong 1920. Nagtagal ito hanggang 1935, nang bigyan ng tig-iisang kinatawan ang pitong lalawigan ng Mindanao at Sulu sa Kapulungang Pambansa, ngunit may pagkakaiba sa paraan ng paghalal. Sa mga lalawigang maraming Kristiyano (Agusan, Bukidnon, Davao at Zamboanga), may karapatang maghalal ang mga botante sa bisa ng Artikulo VI, Seksiyon 1 ng 1935 Konstitusyon. Habang sa mga lalawigang maraming Muslim (Cotabato, Lanao at Sulu), may mahigpit na kwalipikasyon sa pagboto: tanging ang mga opisyal ng bayan (pangulo, bise-pangulo at mga konsehal); senador, mga kinatawan ng kapulungan at mga delegado ng 1935 Konstitusyon; gobernador ng lalawigan at mga miyembro ng sangguniang panlalawigan; at lahat ng mga dating naluklok sa mga nasabing posisyon, ang pinayagang bumoto. Sa ganitong paraan nahalal ang kinatawan ng Cotabato noong 1935. Sa pamamagitan ng Kautusang Komonwelt Blg. 44 na naipasa noong Oktubre 13, 1936, tuluyang nabigyan ng karapatang bumoto ang mga kwalipikadong mamamayan ng Cotabato (kasama ang Lanao at Sulu). Nagsimula itong noong eleksyon 1938. Noong panahon ng Ikalawang Republika, nagpadala ng dalawang assemblymen at-large ang lalawigan sa Kapulungang Pambansa. Nang manumbalik ang Komonwelt, napanatili ng lalawigan ang solong distrito nito noong 1945. Kahit naging lungsod ang Cotabato, nanatili itong kinakatawan ng lalawigan ng Cotabato sa bisa ng Seksiyon 91 ng Batas Pambansa Blg. 2634 noong Hunyo 20, 1959. Bilang hinating Cotabato (1966–1973)Sa bisa ng Batas Pambansa Blg. 4849 na naaprubahan noong Hunyo 18, 1966, hiniwalay ang ilang timog na munisipalidad ng lalawigan upang buuin ang Timog Cotabato (kasama ang kasalukuyang lalawigan ng Sarangani). Ayon sa Seksiyon 5 ng B.P. 4849, ang noo'y nanunungkulang kinatawan ng Cotabato ay rerepresentahan lamang ang natitirang bahagi ng lalawigan (kasama ang nakakartang lungsod ng Cotabato) sa ikalawang hati ng Ikaanim na Kongreso, pagkatapos maghalal ng sariling kinatawan ang solong distrito ng Timog Cotabato noong 1967. Bilang kasalukuyang (Hilagang) Cotabato (1973–kasalukuyan)sa bisa ng Presidential Decree Blg. 341 noong Nobyembre 22, 1973, tuluyan pang hinati ang Cotabato sa tatlo, Hilagang Cotabato (ngayon Cotabato), Maguindanao at Sultan Kudarat. Bahagi ito ng kinakatawan ng Rehiyon XII sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978 hanggang 1984. Sa bisa ng Batas Pambansa Blg. 660 noong Disyembre 19, 1983, pinalitan ang pangalan ng Hilagang Cotabato sa Cotabato. Mula 1984 hanggang 1986, nagpadala ng dalawang assemblymen at-large ang lalawigan sa Regular Batasang Pambansa. Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, hinati ang lalawigan sa dalawang distritong pambatas noong 1987. Sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 10177 na naaprubahan noong Setyembre 14, 2012, muling hinati ang lalawigan sa tatlong distritong pambatas na nagsimulang maghalal ng mga kinatawan noong eleksyon 2013. Unang Distrito
1987–2013
Ikalawang Distrito
1987–2013
Ikatlong Distrito
Solong Distrito (defunct)1935–1967
Notes
1968–1972
Notes At-Large (defunct)1943–1944
1984–1986
Tingnan din
Sanggunian
|