Ang Batanes ay bahagi ng kinakatawan ng unang distrito ng Cagayan mula 1907 hanggang 1910, nang ito'y maging lalawigan sa bisa ng Kautusan Blg. 1952 na naaprubahan noong Mayo 20, 1909.
Noong panahon ng Ikalawang Republika, muling dinugtong ang lalawigan sa Cagayan para sa representasyon sa Kapulungang Pambansa. Nang manumbalik ang Komonwelt, napanatili ng lalawigan ang solong distrito nito noong 1945.
Bahagi ito ng kinakatawan ng Rehiyon II sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978 hanggang 1984. Mula 1984 hanggang 1986, nagpadala ng isang assemblyman at-large ang lalawigan sa Regular Batasang Pambansa.
Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, napanatili ng lalawigan ang solong distrito nito noong 1987.